wawa

Linggo, Abril 3, 2011

Asa

Minahal kitang walang dahilan
Ang alam koyhigit ka sa aking kauna unahan
Sa uwian palagi kitang inaabangan
Upang sa araw na yaong ikay masilayan

Wala man akong bagay na alam
Sa pagkatao mo akoy nahihiwagaan
Ang akala ko ako ang iyong magiging kauna unahan
iyon pala aypang apat na ko sa bilangan

Gumuho ang mundong aking tinatapakan
Araw koy lungkoy ang siyang nararamdaman
Nag dadalawang isip kung itutuloy pa ang aking nasimulan
Upang puso moy maangkin kong tuluyan

Habang akoy nag aantaysa iyong kasagutan
Nadurog ang puso ko at akoy nasaktan
Nang ipahayag mo sa aking harapan
Na itigil ko na ang aking kahibangan

pAgkat ang mahalin ka palay isang katangahan !!

Kalungkutan

Natuto akong umiyak
nang sabihin mong akoy iyong lilisanin
natutong magalit maging sa mga bagay na nakapaligid sa akin

Gumuho ang mundong binuo ng kasiyahang meron satin
At pinagkaitan pa ng kapalarang ng ako ay iyong lokohin

Hindi ko kayang makita ang sarili kong ganito
nagdurusa sa hapdi at sakit ng damdaming gawa ng pagkawala mo
pero ang labis na  pinag tataka ko
 ay nabuhay ako ng wala ka pa sa piling ko

Kaakibat ng bawat piraso ng luhang tumatangis sa pisngi ko
Ang pag lubog ng araw na saksi sa sandaling akoy kasama mo

nagugunita ang bawat sandaling nakangiti ako
payapa at ligtas sa kasinungalingan pinaniwalaan ko

sadya ba talagang ganito ang mundo
binulag ako ng kasinungalingang nagbubulungan sa paligid ko
malaking pagkakasala ang nagawa ko
pagkat ipinagkait ko sa sarili ko ang maging maaligaya sa piling mo

Kaguluhan



Hindi ko inakala na ganito ang sasapitin ng buhay ko ...
walang direksyon na pupuntahan dahil na rin sa pansariling dahilan ko..
hindi ko nga alam ang punot dulo ng damdaming ito e..

basta ang alam ko nag mamahal ako sa dalawang mundo..
hindi ko alam kung isa ba ito sa mga kasinungalingang taglay  ko
pagkat ang gusto ko lang ay masabi ang laman ng kaisipan ko

bawat pangyayari sa kasalukuyan kong kinahaharap na mundo
tila bangungot na pumupodpod sa aking pagkatao...

nais ko rin naman maranasan ang mahalin ako
ngunit tila sarado ang isip kong pumili ng iibigin ko

ang hirap alamin sa sariling hanapin o harapin ang tunay
na kalagayang aking sasapitin
ang bawat sitwasyong nararamdaman kong naghahanap ng maraming ano..

pilit kong nilalagay ang lahat sa tama at kung ano ang totoo
kung mali man ang tawag sa nararamdaman kong ito..
handa akong iparaya ang kaligayahan ko

upang ang maling damdaming ito ay matakasan ko nang totoo..

kasiyahan

Habang tumatagal nagiging malinaw na sa akin kung ano ang kasiyahan ko
patuloy ang mahabang pag lalalakbay ko upang hanapin ang tunay na ugat ng kalungkutan ko
marahil may mga ilang patunay na iba nga ako sa mundong gingalawan ko
pero hindi pa dito nag tatapos ang pagtuklas nyo sa aking pag katao...
mas malalim pa ang pinaghuhugutan nito, pinaglilibingan ng mga nagawa ko
marahil marami ang makakapag sabing sayang ang mahabang panahon nag pagiging mag isa ko

ni hindi ko man lamang maramdaman ang mahalin din ako sa mundong nakikita ko
Meron mang magsabi sa akin ng ganito kasinungalingan ang laging sagot ko d2.
sino ba naman ang taong ayaw makatikim ng pag mamahal n totoo?
haysss .... habgan buhay ko pag sisisihan ang mga nagagawa ko..

Isang pagsasalaysay sa pinagdaanang karanasan

 *Para sa mga kaklase ko nung college XD

Dinala ako ng aking mga paa sa di malamang dahilan 402 talaga ang aking kinabibilangan.sa mundong aking pinasukan ay di pa batid kung paano sisimulan , makibahagi sa mga taong bago sa aking harapan .Sa mga araw na nagdaan ay may gumuhit na ngiti sa aking kinabukasan, Mga araw na dumaan sa aking alaala ay di malilimutan.Ang saya na sa kanilay naramdaman , bahagi na lamang ng mga ala alang aking binabalikan.Ang mga tropa at kaibigang nagpadama sa akin ng buhay na dapat pahalagahan.Sa mga aral at leksyong aming napagsaluhan, namayani ang pinakamahusay sa bawat larangan.Sa bawat salitang binitiwan, simpleng banatan ng biruan, doon nag sisimula ang pikon at tampuhan.Ang mga di paawat na kalokohan nang mga tropang sa likod ang pinagmulan, unti unti ko na lamang namamalayan ng hindi ko namamalayan.Mga pag gala pagkatapos ng aral at seryosohan, Sm lagi ang aming gimikan.Bawat isa'y may kanya kanyang paraan , upang mabuo ang kasiyahan.Ang bawat probelam at suliraning natitikman , sa pag kanta na lang sa videoke dinadaan.Ang mga isyu at pag tatalo na natutuloy din naman sa masayang inuman.Papahuli ba naman ang mga pagdiriwang ng mga kakklase na mag sasapit ng kaarawan?Inumang walang humpayan pagkagaling sa iskwelahan.Nang malapit ng matapos ang limang buwan ay kanya kanya na ng paalam.Ngunit hindi dyan nag tatapos ang kabanata na aming nasimulan. Sapagkat ang bawat paaalam ay mayroong bagong pagmumulan.Dumating ang ikalawang yugto ng pasukan, mayroong nag paalam ngunit agad naman itong napalitan.Mga bagong mukha na sa una ay katatakutan. Bagong yugto ng iskwela ay naghamon sa aming katatagan.Ilang kabarkada may lumisan, may iilan pa rin namang pwedeng damayan, tun nga lang ibat iba na ang pinakikisamahan.Lumipas ang mga araw ng iskwela hanggang sa amin na itong nakasanayan, Ang mga taong sa una'y kinatakutan ay tunay din palang palakaibigan.Ang mga yugto at sandaling napag samahan, madali talagang kunin ng oras ng pananahan.Lumipas muli ang limang buwan at ang iba ay muli na namang nag paalam, may mga ilang naiwan ngunit hanggang kailan?Bagamat panibagong yugto, samahan ay nanatiling buo.Dumating sa puntong pahirapan, pag aaral na ang naging syang puhunan.Hanggang Pn job Training ay dumating ng hindi inaasahan, nakatagpo muli ng bagong kasama sa kalokohan.Mga meeting na ang dahilan ay pagkakamali, syempre kami parati ang nagiging sanhi.Dumating ang sandaling trahedya na ang lumapit, ngunit dito pala mabubuo ang isang grupong nag kakabit kabit.Mula sa malunos na trahedya , tawanan ang sa aming mukha ay makikita.May mga panahong inis ka sa bawat isa, pero sa huli mapapaisip ka din pala.Mahirap ipagpalit ang sayang nadarama, sa mundong binubuo mo lamang mag isa.Bawat hirap nalampasan, mga pagsubok na nagbigay ng iyakan, mga sandaling tawanan at buiruan, sa datamex ko lamang iyan natikman.kahit mga staff ay mapanghusga, hindi ka naman pababayaang mag isa, nang mga tropa at kaibigang sayo buo ang suporta.Kahit minsan ay may away at tampuhan, iba na pag alak ang usapan.Mga banat ng tropang tablahan, mauuwi lagi sa asaran. Kahit ganito ang naging katapusan, kwento ko sanay pagbigyan.Kahit panget mababasa at titingnan.Nais ko lamang iparating ang aking karanasan.,

Panimula

Isang Pagbati...
Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay naaaun sa takbo ng isip ko...
Maliban sa mga kalokohang naiiisip mo , tinutukoy rin dito ang mga pakikipag sapalaran ko sa mundong ginagalawan ko...
layunin ko dito ay maibahagi ang anumang argumento na tumutukoy sa akin , sa mundo at sa marami pang bagay na nanggugulo sa isip ko at sa buhay ko wahahaha...


bahala na ... zzz